|
sa panulat ni: catherine reformado akdang pampanitikan ng 'the philippine artisan', volume lxii no. 6, 2007 "ikubli" halina't sumabay sa gandang tugtugin sa saliw ng likas na awitin bughaw na langit ay silipin at ngitian ang mundong umaakit hayan si Haring araw na tila nakakasilaw binigyang liwanag itong kadiliman na mumunting mundo ko'y binabalutan maya-maya'y pumatak ang dalisay na tubig nang malao'y sunud-sunod na wari'y mga lubid laking pasalamat sapagkat maikukubli na rin luhang marahan pa ang pagpatak dito sa pisnging akin kalimutanna nga itong malungkot na damdamin muli'y pagmasdan ang gandang likas natin damhin ang ihip ng hanging pasanin ang tulad kong puno ng malungkot na saloobin |
| Wacky May 24, 2007 03:16 AM PDT Love hurts and so are we, but only God can make a damn Tree! :-) | ||
| Leave a Comment: |