ang website na ito ay ginawa ng manunulat upang may paglagyan ang kanyang kalipunan ng akdang pampanitikan. lahat ng naisulat dito ay hango lamang sa kanyang malikhain o mapaglarong isip. kasama rin dito ang iba sa kanyang mgha paboritong gawang pampanitikan. sa mga puna, suhestiyon at iba pang nais ipabatid ay ipagbigay alam lamang sa akin. maraming salamat.


***

simple rule. no plagiarism. kung ayaw mo parin, bahala ka ;) gudlak nalang sa karma.
best viewed in mozilla firefox

***

"And by the way, everything in life is writable about if you have the outgoing guts to do it, and the imagination to improvise. The worst enemy to creativity is self-doubt"- Sylvia Path


   






rss feed



Tuesday, May 22, 2007
ikubli
                                                                                                     





sa panulat ni: catherine reformado
akdang pampanitikan ng 'the philippine artisan', volume lxii no. 6, 2007

"ikubli"

halina't sumabay
sa gandang tugtugin
sa saliw ng likas na awitin

bughaw na langit ay silipin
at ngitian ang mundong umaakit

hayan si Haring araw
na tila nakakasilaw

binigyang liwanag itong kadiliman
na mumunting
mundo ko'y binabalutan

maya-maya'y pumatak
ang dalisay na tubig
nang malao'y sunud-sunod

na wari'y mga lubid
laking pasalamat sapagkat
maikukubli na rin

luhang marahan pa ang pagpatak
dito sa pisnging akin

kalimutanna nga
itong malungkot na damdamin
muli'y pagmasdan
ang gandang likas natin

damhin ang ihip
ng hanging pasanin
ang tulad kong puno
ng malungkot na saloobin






isinulat ni princessnatre sa ganap na 05:48 am

Wacky
May 24, 2007   03:16 AM PDT
 
Love hurts and so are we, but only God can make a damn Tree! :-)
 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




    







.::Kindly Visit::.

| friendster ko! |
| prestidigitation |
| quotes online |


.::Suggested Readings::.

| Tinig |
| Peyups |
| Panitikan |
| Urban Dictionary |