ang website na ito ay ginawa ng manunulat upang may paglagyan ang kanyang kalipunan ng akdang pampanitikan. lahat ng naisulat dito ay hango lamang sa kanyang malikhain o mapaglarong isip. kasama rin dito ang iba sa kanyang mgha paboritong gawang pampanitikan. sa mga puna, suhestiyon at iba pang nais ipabatid ay ipagbigay alam lamang sa akin. maraming salamat.


***

simple rule. no plagiarism. kung ayaw mo parin, bahala ka ;) gudlak nalang sa karma.
best viewed in mozilla firefox

***

"And by the way, everything in life is writable about if you have the outgoing guts to do it, and the imagination to improvise. The worst enemy to creativity is self-doubt"- Sylvia Path


   






rss feed



Sunday, May 20, 2007
tumba-tumba
                                                                                                     




madalas ko siya noong maisip
nakaupo sa tumba-tumba't umiidlip
hinehele ang hanging may sariwang ihip
       o di kaya'y nagpapahinga
       sa kanyang uuga-ugang silya
       hawak ang aklat at nagbabasa

at noong ako'y musmos pa lamang
labis niyang kinatuwa aking pagsilang
kapanganakan ko'y kanyang ipinagdiwang
       mga ngiting matatamis
       bati niya sa akin
       o 'di kaya'y pagkainis
       'pag di tumugon sa mga pamahiin

akin siyang labis na sinisinta
babaeng umaruga sa aking ina
tuwing ako'y pinaghihigpitan ni mama
paliwanag at pag-alo kanyang pinapagpapala
       at ngayong wala na siya
       doon sa terasa na may uuga-ugang silya
       maaalala ko ang kanyang pag-aaruga
       sa uga ng tumba-tumba
       pakiwari ko'y pinaghehele't
       pinapatahan ako ng aking lola








isinulat ni princessnatre sa ganap na 06:07 pm

franzredflame
January 21, 2008   12:09 AM PST
 
hi po sa sumulat n2..princessnatre, student ka b ng CCAT dati? pls lang contact me.. franzredflame@yahoo.com, i really wanna know... thnx alot.
its me natre
May 22, 2007   05:46 AM PDT
 
hmmm... actually, hindi yan para sa lola q eh... *bad* :( pero namimiss ko talaga siya sobra! mas naging close ko kasi yung lola nung ex ko... kaya siya yung inspiration ko dyan... hehehe... :)
Wacky
May 21, 2007   02:54 PM PDT
 
Makikiusyoso nga! :-D Ako, malapit din ako sa lola ko... sa tuhod. :-D Nanay ng lola ko na lola naman ng nanay ko. Gets? Nung bata pa lang ako, lagi nya ako isinasama sa mga prayer meeting nila. Tinuruan pa nga nya ako noon mag-orasyon tuwing 6:00 pm. Akala nga ni nanay, magpa-pari ako paglaki ko. Palasimba kase ako nung bata pa lang ako. Sa lola ko sa tuhod ako tumira nung highschool pa lang ako. Nakaka-miss nga eh! Wala na kase sya. Naka-relate ba ako? HINDE!! HEHEHE!!! :-D
 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




    







.::Kindly Visit::.

| friendster ko! |
| prestidigitation |
| quotes online |


.::Suggested Readings::.

| Tinig |
| Peyups |
| Panitikan |
| Urban Dictionary |