ang website na ito ay ginawa ng manunulat upang may paglagyan ang kanyang kalipunan ng akdang pampanitikan. lahat ng naisulat dito ay hango lamang sa kanyang malikhain o mapaglarong isip. kasama rin dito ang iba sa kanyang mgha paboritong gawang pampanitikan. sa mga puna, suhestiyon at iba pang nais ipabatid ay ipagbigay alam lamang sa akin. maraming salamat.


***

simple rule. no plagiarism. kung ayaw mo parin, bahala ka ;) gudlak nalang sa karma.
best viewed in mozilla firefox

***

"And by the way, everything in life is writable about if you have the outgoing guts to do it, and the imagination to improvise. The worst enemy to creativity is self-doubt"- Sylvia Path


   






rss feed



Saturday, May 12, 2007
sa ilalim ng kanyang belo
                                                                                                     



Naglalakad siyang sayad ang tuhod

sa pagitang ng bawat luhuran

Tuwid ang tingin sa krus

habang tagaktak kanyang luha

Taklob ang sagradong belo

sa likod ng kanyang mukha

Sinasambit mga orasyon

ng kwintas-dasalan

Sa buong paniniwalang

mga paghihirap maiibsan

Isang hakbang pa

kahit tuhod'y mugto na

Pagtungo sa altar

humaplos sa poon

Muli, pumahid pa

sabay punas sa pagkatao

Isa-isang hinalikan

mga paa ng santo

Nagsabit ng sampaguita

sa mga leeg nito

Nag-alay ng mga rosas

at muli lumuhod

Nag-krus, tumayo,

at tahimik na lumayo

Pagsawsaw ng daliri

sa banal na tubig

Binuklod mga kamay

at saka umalis

Pagtanggal ng kanyang belo

na animo'y may sinag

Sungay pala ang nakatuhog

at sa puso'y namamayagpag




isinulat ni princessnatre sa ganap na 08:14 am

 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




    







.::Kindly Visit::.

| friendster ko! |
| prestidigitation |
| quotes online |


.::Suggested Readings::.

| Tinig |
| Peyups |
| Panitikan |
| Urban Dictionary |