ang website na ito ay ginawa ng manunulat upang may paglagyan ang kanyang kalipunan ng akdang pampanitikan. lahat ng naisulat dito ay hango lamang sa kanyang malikhain o mapaglarong isip. kasama rin dito ang iba sa kanyang mgha paboritong gawang pampanitikan. sa mga puna, suhestiyon at iba pang nais ipabatid ay ipagbigay alam lamang sa akin. maraming salamat.


***

simple rule. no plagiarism. kung ayaw mo parin, bahala ka ;) gudlak nalang sa karma.
best viewed in mozilla firefox

***

"And by the way, everything in life is writable about if you have the outgoing guts to do it, and the imagination to improvise. The worst enemy to creativity is self-doubt"- Sylvia Path


   






rss feed



Saturday, May 12, 2007
kung bakit bilog ang buwan tuwing biyernes santo?
                                                                                                     


Sa tuwing

sasapit panahong ito. mga

nananalig nagninilay, luluhod sa poon.

isang bagay lang hindi ko mapagtanto: Kung

bakit bilog ang buwan tuwing Biyernes Santo? Kung

magbabalik-tanaw, karimla'y bumalot sa mapanising mundo.

Kabayara'y takot sa pagpanaw Niya. Gabi ng lagim biglang umusbong.

paggunaw ng mundo dagling bumangon.  Kung bakit kailangan pang sumirit

ng maraming dugo? Ibaon ang pako sa inosenteng palad sa krus ng kalbaryo?

Kung bakit kailangan pang ialay ang buhay Niya, maisalba lang tayo sa ating pagkakasala?

Namulat ako sa isang paniniwalang tuwing kabilugan ng buwan lilitaw masasamang

elemento. Mga nakakapanindig-balahibo ang maghahari sa mundo.  Maraming

Biyernes Santo na sa akin ay dumaan.  Sa aking silid kung sa'n ako'y

nagdarasal.  Mapapatingin sa kalangitan mula sa durungawan.

Kagyat papasok sa aking isipan—kung bakit bilog ang

Buwan tuwing Biyernes Santo? Marahil tanda ito

kung gaano kahirap ang pagpanaw

Niya sa mundo.




isinulat ni princessnatre sa ganap na 07:46 am

 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




    







.::Kindly Visit::.

| friendster ko! |
| prestidigitation |
| quotes online |


.::Suggested Readings::.

| Tinig |
| Peyups |
| Panitikan |
| Urban Dictionary |